WALA pang opisyal na anunsyo ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa itinerary ni US President Barack Obama, pero abalang-abala na ang Malacañang sa preparasyon.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, partikular na kanilang tinututukan ang aspeto ng protocol, security at media.
Ayon kay Coloma, nakikipag-ugnayan na ang Presidential Security Group (PSG) sa Secret Service habang ang PCOO ang nag-accredit sa media delegation na bitbit ni Obama.
Hindi pa masabi ng Malacañang kung anong eksaktong oras sa April 28 darating si Obama sa bansa.
Sinasabing dito lalagdaan ang Enhanced Defense Cooperation Agreement ng Filipinas at Estados Unidos.