INAMIN ni PBA Media Bureau head Willie Marcial na tinanggap ng opisina ng liga ang ilang mga tawag tungkol sa ulat na umano’y lalaro ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao para sa baguhang Kia Motors na isa sa tatlong bagong koponan sa liga sa susunod na season.
Ngunit walang maibibigay na sagot ang PBA tungkol sa bagay na ito.
“We cannot make a confirmation or issue a denial at this point since none of the two parties involved has informed us of this matter,” wika ni Marcial.
“I have not heard anything official about this from Kia or Manny, so I do not have a direct comment on it. I am happy to note though, Manny’s undiminished love for the sport of basketball, given all his successes in other fields. He is a great ambassador for any sport, including basketball,” ani PBA Commissioner Chito Salud.
Matatandaan na lumabas sa sports website na www.spin.ph ang ulat tungkol sa plano ni Pacquiao na maglaro sa Kia para maging bongga ang pagpasok nito sa liga.
“Hindi pa naman final, pero may planong maglaro ako sa PBA,” ani Pacquiao sa nasabing website.
“Basketball nga ang cross training ko e. Itong laban nga kay (Timothy) Bradley panay ang laro ko sa gabi.”
Dating naglaro ng basketball si Pacquiao nang siya’y nagtatag ng koponang MP Gensan Warriors sa nabuwag na Liga Pilipinas.
Isang malaking problemang kakaharapin ni Pacquiao ay ang kanyang edad na 35 at ang taas niyang 5-6 kaya baka mahirapan siyang sumabay sa mga mas bata at mas matangkad na manlalaro.
(James Ty III)