ni Roldan Castro
FINALLY, inamin na ni Sam Concepcion sa panayam ni Kuya Boy Abunda sa Buzz ng Bayan na mag-on sila ni Jasmine Curtis Smith.
“I guess so. Oo,” deklara niya.
Itinanggi rin niya ang pagkaka-link niya sa co-star niya sa Mirabella na si Julia Barretto.
”Lumaki nang lumaki ‘yung istorya. Even she said hindi niya alam kung saan nanggagaling ‘yung intriga,” aniya.
Umamin din si Sam sa confrontation nila ni Anne Curtis sa birthday ni Vice Ganda. Hindi na niya idinetalye kung totoo ang mga lumabas na dialogue ni Anne sa kanya pero naiintindihan daw niya ito bilang ate. Natural lang daw na protektahan ni Anne ang nakababatang kapatid. Challenge din ‘yun kay Sam para magsikap na magtrabaho para sa magandang future ng magiging pamilya niya balang araw.
Pero ano kaya ang reaction ni Liz Uy dahil siya umano ang pinagbibintangan na nagkalat ng insidenteng ito?Si Liz ay kilalang celebrity stylist at dating girlfriend ni John Lloyd Cruz.