LUMIKHA ang Indian inventors ng isang pares ng high-tech satnav shoes na ituturo sa magsusuot nito ang daan pauwi sa kanyang bahay.
Ang Lechal system ay available bilang ready to wear shoe o bilang insole na ilalagay sa loob ng sapatos.
Ito ay gumagamit ng Bluetooth link para makakonekta sa mapping system sa mobile phone, maghahatid ng discreet vibrations sa paa at sasabihin kung saan dapat pumunta.
Ang Lechal shoes ay nagkakahalaga ng £100 at tatagal ng hanggang tatlong araw bago muling dapat na i-recharge.
“They are as easy to use as a tap on the shoulder,” pahayag ni Krispian Lawrence, 30, na nilikha ang sapatos sa tulong ni
Anirudh Sharma, 28, sa Hyderabad, India.
“It’s that intuitive – if someone taps you on the left shoulder, you immediately turn left. This product harnesses that basic instinct.
“You can even communicate with them using hand gestures and finger snaps because the shoes have sensors that can pick up movement and sound.
“You can also tell them how many calories you want to burn and they’ll plot the perfect run or cycle.” (ORANGE QUIRKY NEWS)