Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barbosa 2nd place sa Bangkok Chess

SUMALO sa unahan si Pinoy GM Oliver Barbosa matapos makipaghatian ng puntos kay super GM Francisco Pons Vallejo sa ninth at final round sa katatapos na 14th Bangkok Chess Club Open 2014 sa Thailand.

Nagtala sina No. 4 seed Barbosa (elo 2580) at top seed Vallejo (elo 2693) ng Spain ng parehong 7.5 puntos matapos ang kanilang 17 moves ng Slav sa last round.

Subalit tinanghal na kampeon si Vallejo at second placer si Barbosa matapos ipatupad ang tie-break sa event na may nine rounds swiss system.

Nitong nakaraang buwan ay tumaas ang elo rating ni Barbosa matapos magkampeon sa 19th International Open Grandmaster Chess Tournament.

Nabingwit naman ni GM John Paul Gomez ang pang-anim na puwesto tangan ang 6.5 points matapos makipaghatian ng puntos kay GM Marat Dzhumaev (elo 2496) ng Uzbekistan.

Umabot sa 29 sulungan ng Sicilian ang laban nina Gomez at Dzhumaev.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …