UMABOT sa 31 ang bilang ng mga namatay habang 123 ang nasugatan sa iba’tibang insidente sa pagunita ng Semana Santa sa buong bansa.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga namatay ay ang 13 katao dahil sa vehicular accidents, 16 sa pagkalunod, isa sa sunog at isa sa pamamaril.
Pinakamarami sa mga namatay ay mula sa Region IV-A na umabot sa 11, walo mula sa Region II, apat mula sa Region I, lima sa Region V, habang dalawa sa CAR at isa sa Region X.
Nabatid na umabot sa 50 ang bilang ng iba’t ibang insidente kabilang dito ang 19 vehicular accidents, pito ang sunog, dalawa ang kaso ng poisoning partikular sa Batangas at Samar, habang nagkaroon din ng pagbaha sa Davao del Norte.
(BETH JULIAN)