Monday , December 23 2024

3 tulak tiklo sa buy-bust (P.7-M shabu nasamsam)

TINATAYANG P700,000 halaga ng ilegal na droga na nakompiska sa tatlo katao, kabilang ang dalawang menor de edad na babae at lalaki, nitong Biyernes Santo sa isinagawang  buy-bust operation ng Marikina PNP.

Sa nakarating na ulat kay S/Supt. Vincent Calanoga, chief of police ng Marikina-PNP, kinilala ang mga suspek na sina Recon Pimba, 38, alyas Recon, may-asawa, isang alyas Yasmin, 17-anyos, at alyas Jerome, 17-anyos,  kapwa ng Blk-43, Singkamas St., Brgy. Tumana.

Ayon kay Station-Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) chief, S/Insp. Glenn Aculana, dakong 2:20 p.m.  isinagawa ang buy-bust operation nang magpanggap na  bibili ng droga si P02 Norberto Sa-boriendo.

Dakong 5:30 p.m., bumili ang poseur buyer sa mga suspek dala ang marked money na limang pirasong tig-P500, na ikinadakip ni Recon, kabilang ang dalawa pa.

Nauna rito, isang impormante ang nagtungo sa himpilan ng pulisya na nagsabing nasa lugar si Recon at hayagang nagbebenta ng shabu kaya’t agad bumuo ng team si Aculana at naging positibo ang resulta.

Samantala, aatasan ng Marikina City government ang City Social Welfare and Development partikular ang Vice Mayor’s Office, ang namumuno sa CADAC, na magtungo sa National Statistics Office (NSO) para tukuyin ang dalawang menor de edad na naaresto. (ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *