NEGATIBO sa Middle East Respiratory Syndrome coronavirus (MERS-CoV) ang nasa 100 pasaherong sakay ng Etihad Airways mula sa Gitnang Silangan na nakasabay ng isang Filipino na unang carrier ng naturang sakit.
Ayon sa ulat ng Department of Health (DoH), mula sa 414 pasahero ay halos 200 na ang na-contact ng mga awtoridad para isailalim sa obserbasyon at swab test.
Bukod sa mga nagnegatibong pasahero, may pending result pa ngayon para sa 73 indibidwal.
Kaugnay nito, muling umapela ang gobyerno sa iba pang pasahero na kusa nang magpasuri upang malaman ang kanilang kondisyon kaugnay sa MERS-CoV.
(LANI CUNANAN)