Friday , November 15 2024

Umatras sa drag racing kelot tinodas (6 pa sugatan)

MATAPOS makipag-karera sa laro ni kamatayan, tinodas ang isang lalaki, habang anim ang sugatan, nang mamaril ang kaniyang tinalong kalaban, kahapon sa Quezon City.

Patay na nang makarating sa Commonwealth Medical Center ang biktimang si Jacky Rajaroja, 22-anyos, ng Lot 2, Blk. 30, Tesalonian st., Jordan Plains Subd., Brgy. Sta. Monica, Novaliches.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Carl Webb, 38; Michael Ray Tolentino, 33; Jeffrey Viray, 32; Mico Caguindagan, 19; Nico Tanchavez, 28; at Joel Salvador, 22-anyos.

Samantala, hinahanting na ng mga awtoridad ang suspek na kinilala sa alyas Ian, na tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon kay PO2 Jaime Samson ng Quezon City Police District (QCPD) station 5, naganap ang pamamaril bandang 4:00a.m. sa Aberdeen st., Greater Lagro sa siyudad.

Sa ulat, nagkarera ng kotse ang suspek at si Rajaroja na may malaking pustahan at dito natalo ang una.

Dahil sa pangyayari, naghamon  ulit ng karera ang suspek pero  tumanggi ang biktima kung kaya’t pinaulanan siya ng bala at tinamaan din ang iba pang naroroon sabay iktad sa lugar.

(JETHRO SINOCRUZ)

About hataw tabloid

Check Also

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *