Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SMB kontra Air 21

NAIS ng San Miguel Beer na makaiwas sa playoff kung kaya’t itotodo nito ang lakas kontra Air 21 sa kanlang sagupaan sa  PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup mamayang 8 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Ang Beermen ay may 7-2 karta at sumesegunda sa Talk N Text na nagtapos nang may 9-0. Sa ilalim ng tournament rules, ang top two teams ay magkakaroon ng twice-to-beat advantage sa quarterfnals.

Nais ng Beermen na mapanatili ang kapit sa No. 2 spot at huwag abutan ng defending champion Alaska Milk (5-3).

Makakatabla ang Aces kung tatalunin nila ang San Mig Coffee sa Linggo.

Sina coach Biboy Ravanes at active consultant Todd Purvis ay sumasandig sa import na si Kevin Jonesna unti unting bumubuti mula nang halinhan si Josh Boone.

Ang Air 21 ay galing sa 87-82 pagkatalo sa Rain or Shine noong Lunes.  Nais ng Express na magwagi sa hangaring  hindi magtapos sa ikapito o ikawalong puwesto na magbibigay sa kanila ng twice-to-beat disadvantage sa No. 1 o No. 2 team.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …