OPISYAL na—batay sa morphopsychology, ang disenyo at texture ng labi ay naglalarawan o sumasalamin sa emotional profile ng isang tao.
Ito ang napatunayan kamakailan sa pag-aaral na isinagawa ng ilang mga eksperto para malaman kung ano ang kaugnayan ng hugis ng labi sa personalidad at pag-uugali ng isang indibidwal.
Ang malaking bibig, sabi nila, ay nagpapahiwatig ng ‘indulgence.’ At kung ang mga labi ay malaman o makapal, ito ay senyales ng pagiging isang extrovert. Ang maliit na bunganga ay tanda naman ng pagiging introvert, at ang maninipis na labi sa pagiging mahiyain.
Narito naman ang magandang balita, salamat sa cosmetics, ang lahat ng ito ay puwedeng itago. Sa kanilang bestseller na Why do men scratch the ear and women shift their alliances? (First Editions), inihayag nina Australian coaches Allan at Barbara Pease ang pag-aaral na nagpapakita ng power-challenge ng lipstick sa masculine gentleman.
Basta mapula at makintab, alin mang mga labi ay sadyang irresistible sa guys. Ang malakas na signal ay nagsimula pa ng sinaunang panahon. Kaya may nagsasabi na noong panahon ng mga Paraw sa Ehipto, ang pagpapapula ng mga labi ay nagbigay sa kababaihan ng representasyon sa kanilang mukha na ang kanilang labi, o mga labi ng kanilang pagkababae, proportional sa kapal ng kanilang bibig.