Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Personalidad ayon sa underwear

TULAD ng jeans na ating pinipili, ipinapakita rin ng uri ng ating underwear ang bahagi ng ating personalidad. Ano nga bang uri ng underwear ang nais n’yong isuot? Check out ang guide na aming inihanda para sa inyo. Maaaring magkaroon ng kaalaman tungkol sa ating sarili gamit ang guide na ito.

Basic low-rise bikini

Madaling isuot ang bikini, bukod sa fuss-free ay nagbibigay ng sapat na takip habang inilalantad ang nararapat para maging sexy.

Nagsusuot ba kayo ng bikini panties? Prioridad mo ang hugadong pagkilos at pagiging komportable. Bukod dito, dahil mas gusto n’yo ang low-rise variety, wala kayong problema na ipakita ang nararapat para makapanukso. Ang pagiging sexy ay may appeal sa inyo, subalit ayaw n’yo rin naman maging sobrang sexy kaya ang sinusuot ay middle-ground type ng underwear; gusto n’yo ang underwear na nakapagbibigay ng sapat na panakip, subalit hindi naman sobra, kaya hindi kayo nagsusuot ng tinaguriang ‘granny panties’ na umaabot hanggang baywang.

Boyleg panties

Katulad din ng briefs ng kalalakihan, ang boyleg panties at low-rise underwear na pumapalibot sa ba-lakang. Kadalasan ay nakakapanakip ito sa buong likuran o buttocks area, para magkaroon ng maximum coverage habang kompor-table pa rin ang feeling.

Gusto n’yo bang magsuot ng boyleg panties? Ayaw n’yo ng discomfort na katulad ng nararamdaman kapag nakasuot ng thong, subalit ayaw n’yo rin ng  panty lines; ito ang natural na pipiliin para sa inyong nais. Parehong sporty at sexy ito. At home ang pakiramdam habang nanonood ng PBA game at ito rin ay ultra formal para sa kasal. Maaa-ring sa pormal na okasyon at puwede rin ito habang nagsasayaw ng tango.

Thong

Ang thong ang pinaka-bare sa lahat ng underwear, at marami itong klase: ang g-string, ang t-back, at ang tanga. Mataas ito sa balakang kapag isinuot at hindi sapat ang panakip sa likuran.

Nagsusuot ba kayo ng thong panties? May kompiyansa kayo sa inyong katawan, ayaw rin ng panty lines, at malamang na maganda ang hubog ng inyong puwet o buttocks. Okay lang ang discomfort basta kaya ipakita ang magandang hubog ng katawan, nang hindi nadi-distract ng underwear lines. Ang kahulugan nito’y sa loob ng inyong clo-set, marahil ay mayroon din kayong ilang pares ng mga killer stiletto.

Classic high-waist panties

Malambot, kadalasan gawa sa cotton, fit-na-fit sa balakang, at nakakapanakip sa nararapat na mga bahagi na kailangan takpan. Ito’y mga panty na nais isuot kung nais na maging tunay na relaxed.

Gusto n’yo ba ng high-waist panties? Praktikal lang kayo, may tamang pangangatuwiran, at level-headed sa pag-iisip. Ang classic pan-ties na ito ay tunay na kom-portable kung kaya tiyak na may sapat na stock kayo nito sa inyong underwear drawer para sa mga panahon na may sakit o kailangan maglinis ng inyong apartment. Sa madaling salita, ang uri ng underwear ay go-to undies kapag napunta sa isang sitwasyon na nangga-ngailangan ng kompletong underwear comfort.

Lace panties

Anoman ang disenyo nito, ang lace panties ay nagbibigay ng pakiramdam ng pagiging elegante at sopistikado. Ang underwear na ito ay para sa pagmamayabang kaysa pagiging kom-portable sa pangangaila-ngan.

Kung nagsusuot ng lace panties, mahal ninyo ang inyong katawan, mapanukso ka rin, babaeng-babae ang dating, maselan din, at gusto n’yo ang pakiramdam ng luxurious fabric, o maluhong tela, sa inyong kutis. Lumilitaw din na kayo ay high-maintenance, at ipinapakita ito sa lahat—dahil ang lace ay mahirap din imintine. Marahil ay katulad din ng nagnanais na magsuot nito.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …