PERSONAL na dumulog sa National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyanteng si Roehl “Boyett” Bacar, pangulo ng Comm Builders Technology (Philippines) Corporation (CB&T), para linisin ang kanyang pangalan hinggil sa $30-M Inekon Group extortion case.
Sa panayam, sinabi ni Atty. Jerusha Villanueva, walang basehan ang pagsasangkot ni Czech Ambassador Joseph Rychtar sa kanyang kliyente sa panghihingi ng pera kapalit ng kontrata sa pagsusuplay ng 48 new coaches ng MRT-3. Paliwanag ng abogado, sa malinis na paraan sa pa-mamagitan ng public bidding kaya nakuha ni Bacar ang kontrata noong 2013 sa pagmamantine ng MRT.
Itinanggi rin ni Bacar ang alegasyon ni Rychtar na siya’y may impluwensya sa mga opisyal ng Department of Transportation and Communications kaya siya nakakuha ng kontrata. Nagsumite na umano sila ng mga dokumento sa NBI para patunayang walang kinalaman si Bacar sa alegas-yon ng extortion. Tiniyak ni Bacar na handa silang makipagtulungan sa imbes-tigasyon ng NBI para sa ikalilinaw ng isyu.
Matatandaang unang sinampahan ni Bacar ng P30-M libel suit si Rychtar at ang pahayagang Philippine Daily Inquirer dahil sa pagkakalathala noong Abril 5 ng nasabing alegasyon ng embahador.
(leonard basilio)