Thursday , October 31 2024

MRT pumalpak na naman

Inihayag ng Metro Rail Transit (MRT) na nagka-aberya ang kanilang operasyon nang masira ang riles sa pagitan ng  North Avenue at  Quezon Avenue stations na nagdulot ng abala sa mga pasahero.

Ayon kay MRT General Manager Al Vitangcol, dahil sa aberya, nagpatupad ng provisional service ang MRT na nagsimula dakong 9:35 a.m. na ang biyahe ay mula Taft Avenue Station, Pasay City hanggang Shaw Blvd. station at pabalik.

Napilitan ang pamunuan ng MRT na pababain muna ang mga pasaherong sakop ng Quezon City dahil sa aberya.

Kaagad sinimulan ang pagkumpuni sa sira na natapos makaraan ang ilang oras.

(MIKKO BAYLON)

About hataw tabloid

Check Also

Yul Servo Joel Chua

VM Yul kompiyansa at buo ang suporta kay Cong Chua!

TAHASANG inihayag ni Manila Vice Mayor Yul Servo Nieto ang kanyang buong pagsuporta sa muling …

Project Ligtas Eskwela ikinasa ng QCPD

Project Ligtas Eskwela ikinasa ng QCPD

INILUNSAD na ng Quezon City Police District (QCPD)  ang “Project Ligtas Eskwela” sa mga paaralan …

PAGASA Bagyo Leon

STS ‘Leon’ maaring maging super typhoon, Signal No. 5 posible — PAGASA

Hindi inaalis ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang posibilidad na maging …

Leni Robredo Benhur Abalos, Jr 2

Robredo, Abalos nagkita para maghatid ng tulong sa mga biktima ng bagyong Kristine sa Naga

NAGA CITY, Camarines Sur — Nagkasama muli sina dating bise presidente Leni Robredo at senatorial …

Ram Revilla

Sa hagupit ng bagyong Kristine at iba pang trahedya
CAVITEÑOS TULONG-TULONG, SAMA-SAMA SA PAGBANGON

NANINIWALA si Cavite Board Member Ram Revilla, sa pagkakaisa at pagtutulungan ng mga kababayang Kabitenyo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *