ni Ronnie Carrasco III
STILL on this case, ang narekober ng NBI na CCTV footage kuha sa loob ng elevator ng Forbeswood Heights noong January 22 ang kinukuwestiyon ng kampo nina Deniece at Cedric as being spliced or edited.
Ito ‘yung mala-all-star cast na tagpo na may kuha rin si Vhong after the mauling incident.
Pero mas gusto naming pagtuunan ng pansin ang kuhang nahagip uli ng CCTV na hindi na kasama ng grupo ni Vhong. This was before each of them was seen going back to the condo building, heading towards the elevator.
Sa naturang CCTV footage, ang lahat ng mga lulan ng elevator ay pinangalanan with their names superimposed on the screen.
Tulad ng alam nating lahat, isinampa na ang serious illegal detention at grave coercion sa nasabing grupo. And if found guilty lalong-lalo na sa unang kaso, the members of the group cannot bail themselves out dahil walang piyansa ang naturang krimen.
Reclusion perpetua o habambuhay ding pagkakakulong ang naghihintay sa kanila.
Sa mga tagasuporta ni Vhong, tila foreshadowing—o hudyat ng isang nagbabadyang pangitain—ang CCTV footage na ‘yon. Dahil ang mga magkakasama sa elevator ay posibleng magkakakosa rin sa selda, except of course from Deniece and Bernice Lee na nasa piitan para sa mga kababaihan.
Pasok sa banga!