Gud morning po sinyor,
Gus2 ko lng po sna mlaman kung anu ibig sbhin ng pnaginip ko na plagi daw ako nasa dagat naunguha ng shell at ung 2big daw sobrang linaw ni wla man lng alon.? Please interpret nyo nman po.,twagin nyo nalang po akong Lyn. don’t post my number.
To Lyn,
Ang dagat ay nagre-represent ng iyong unconscious feelings at ng transition sa pagitan ng iyong unconscious at conscious na damdamin. Tulad ng lahat ng simbolo sa tubig, may kaugnayan ito sa iyong emosyon. Posible rin na paalala ito sa iyo sa kakulangan mo ng pang-unawa at pananaw sa ilang sitwasyon o pangyayari. Alternatively, ito ay maaaring may kaugnayan din sa pangangailangang i-reassure ang iyong sarili o magbigay ng reassurance sa iba. Sa kabilang banda, ito ay naghahatid din ng hope, a new perspective at ng positive outlook sa buhay kahit na gaano kahirap o kabigat ang iyong kasalukuyang sitwasyon.
Kapag nakakita ng shell sa panaginip, ito ay maaaring may kaugnayan sa iyong hangarin o inner desire to be sheltered, nourished and protected mula sa mga suliranin ng buhay. Indikasyon din ito na isinasara mo ang iyong sarili, emotionally. Nagsasaad din ito na itinatago o sinasarili mo ang iyong damdamin, lalo na pagdating sa iyong problema.
Ang tubig ay sagisag ng iyong unconscious at ng iyong emotional state of mind. Ang tubig ay ang living essence of the psyche at ang daloy ng life energy. Ito ay simbolo rin ng spirituality, knowledge, healing at refreshment. Kung ang tubig ay calm at clear, ito ay nagsasaad na ikaw ay nasa maayos na spirituality. Nagpapakita rin ito ng serenity, peace of mind, at rejuvenation.
Señor H.