Friday , November 15 2024

Kaso ni Garcia ‘di pinabayaan — Palasyo

041614 rubie march justice

PAALAM RUBIE GARCIA. Bago ilibing idinaan muna sa Mendiola ng iba’t ibang grupo ng mga mamamahayag ang kabaong ng pinaslang na reporter na si Rubie Garcia upang ipaabot kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang iginigiit na hustisya para sa biktima na pinatay sa kanyang bahay sa Bacoor, Cavite.

(BONG SON)

ITINANGGI ng Malacañang na binabalewala ang kaso ng pamamaslang kay Rubie Garcia, isang mamamahayag sa CALABARZON.

Reaksyon ito ng Malacañang sa pahayag ng mga kritiko na mistulang nakalimutan na ang kaso dahil wala pa ring naaaresto ang mga awtoridad at hindi pa rin malinaw ang motibo ng pagpatay.

Bitbit ang kabaong ni Garcia, nag-rally ang grupo ng mamahayag sa Mendiola upang iparating sa Malacañang ang kanilang hinaing.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, patuloy nilang sinusubaybayan ang kaso ng pagpatay sa lady reporter.

Ayon kay Coloma, malinaw ang atas ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Task Force Tugis na mas paigtingin ang paghahanap sa mga responsable ng pagpatay sa mga kagawad ng media.

Kasabay nito, kinontra ng Malacañang ang pahayag ng NPC na walang nangyari sa 20 kaso ng pagpatay sa mga taga-media sa pagsasabing may nahuli na sa pagpatay sa brodkaster na si Gerry Ortega at patuloy pa ring pinaghahanap sina dating Palawan Gov. Joel Reyes at kanyang kapatid.

(KARLA OROZCO)

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *