Tuesday , December 24 2024

Janitor nagbigti (Idol si kuya at ate)

PATAY na nang matagpuan ang 23-anyos janitor na  nagbigti sa loob ng kanilang banyo, sa Caloocan City kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ang biktimang si Johnson Ceilo, 23, janitor, ng #743 Barrio Concepcion Dulo, Brgy. 188 ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni PO3 Renen Malonzo, may hawak ng kaso, dakong 12:00 p.m. nang matagpuan ang naka-bigting katawan ng biktima sa loob ng banyo sa kanilang bahay.

Salaysay ng ina ng biktima, si Gng. Celina Cielo, 57, huli niyang nakitang buhay ang kanyang anak noong umaga  bago siya nagpunta sa palengke.

Pagdating umano niya sa bahay, hinanap niya ang kanyang anak hanggang ituro ng  isang kasama sa bahay na pumasok sa banyo at hindi pa lumalabas dahilan upang katukin ang pinto ng banyo pero walang sumasagot.

Dito na puwersahang binuksan ang pinto ng banyo at nakita ang nakabigti na katawan ng biktima gamit ang wire na nakapulupot sa kanyang leeg.

Isinugod sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktima pero hindi  nai-salba ng mga doktor.

Nabatid na nauna nang nagpakamatay ang kuya ng biktima noong isang taon at nitong Marso ay lumaklak din ng lason ang kanyang ate.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *