DAGUPAN CITY – Malakas ang benta ngayon sa Pangasinan ng tinaguriang isdang dapa o mas kilala sa tawag na “holy fish” sa panahon ng Semana Santa.
Napag-alaman, ang isda ay tinatawag sa lalawigan bilang “kera-ke-ray Diyos” o “tira-tira ng Diyos” dahil ito ang kinain ni Hesus noong muli siyang nabuhay ngunit hindi niya ito inubos kaya’t ibinalik ng mga Apostol sa dagat.
Bukod sa masarap, maaari rin makain ang tinik nito dahil malambot at mas mainam lalo’t maraming hindi kumakain ng karne ngayong Mahal na Araw.
Sa ngayon, pinag-aaralan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kung maaari pang mas paramihin ang lahi ng nabanggit na isda.
(LANI CUNANAN)