PAANO magbubuo ng good feng shui sa laundry room? Posible ba ito?
Posibleng magkaroon ng good feng shui sa laundry room, katulad din ng pagiging posibleng magkaroon ng good feng shui sa closet, garage at basement.
Kung may erya man sa bahay na “challenging” hindi ibig sabihin na ito ay may bad feng shui; kailangan lamang pagtuunan ng panahon para makabuo ng good feng shui energy sa eryang ito.
Narito ang tatlong pa-ngunahing hakbang para sa good feng shui sa laundry room:
*Ang unang hakbang sa ano mang challenging space ay i-clutter clear at i-organi-sa ito nang maayos. Wala nang ibang paraan, at walang feng shui cures na maaaring magresolba sa cluttered space.
*Ang pangalawang hakbang ay ang paglalaan ng panahon na linawin ang mga kailangan sa laundry room at gumawa ng paraan kung paano ito maoorganisa upang matugunan ang mga pangangailangan na ito. Maaaring makatulong ang pagkakaroon ng shelving space, gayundin ang magagandang storage containers, kailangan lamang alamin kung ano ang talagang kailangan sa laundry room.
*Ang pangatlong hakbang ay ang pag-decorate sa laundry room para sa good feng shui. Sa baha-ging ito ay makararamdam ka ng pagiging kuntento kapag nagawa mo ito. Hanapin ang feng sui bagua area ng laundry room at gamitin dito ang best feng shui wall color ayon sa kailangang feng shui elements. Tiyaking mainam ang lighting, huwag gagamit ng boring at malungkot na ceiling light bulb.
Lady Choi