INAMIN ni Rain or Shine head coach Yeng Guiao na mahihirapan ang kanyang koponan sa pagsagupa nito kontra Barangay Ginebra San Miguel sa huling araw ng eliminations ng PBA Commissioner’s Cup sa darating na Linggo, Abril 20.
Ang larong ito ay magiging unang pagsabak ni Gabe Freeman para sa Gin Kings bilang bagong import kapalit ni Josh Powell.
llang beses na nakaharap ni Guiao si Freeman sa PBA, lalo na noong 2009 nang ginabayan ni Freeman ang San Miguel Beer sa finals ng Fiesta Conference nang talunin ng Beermen ang Burger King ni Guiao sa semifinals at ang Ginebra nga sa finals upang maging kampeon.
“Freeman will be a big headache for us. We know he can score and he will also complement the local big men of Ginebra,” wika ni Guiao pagkatapos na talunin ng ROS ang Air21, 87-82, noong Lunes. “Japeth Aguilar and Greg Slaughter will not compete with the import’s playing time. We have to be ready and find a way to stop him.”
Naglaro rin si Freeman para sa Barako Bull noong 2011 at para sa SMB at Philippine Patriots sa ASEAN Basketball League. (James Ty III)