Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dating manliligaw ni Sarah, napunta na kay Meg?

 ni  Roldan Castro

NASA bakasyon mode na ang mga taga-showbiz dahil sa Holy Week kaya naman bawat makatsikahan namin sa taping ng Banana Split: Extra Scoop ay tinatanong namin kung saan sila ngayong Mahal na Araw.

Ayon kay Zanjoe Marudo, pupunta sila ng Ilocos ni Bea Alonzo.

“Buong Ilocos ay iikutin namin. Laoag, Vigan , Pagudpud, Bangui Windmills” sey ni Z.

Silang dalawa lang ni Bea?

“Marami kami. Nasa 20 kami. Mga pamangkin, mga magulang, pinsan. Parehong family namin. Kasi ‘yung tatay ko,umuwi galing States. Tapos, ngayon ko lang mailalabas ang mga pamangkin ko sa beach,” aniya.

Mga 3 to four days daw sila kasi sa Monday ay may trabaho na raw siya.

Rati raw sa abroad sila nagkakasama ni Bea ‘pag Holy Week dahil may Star Magic tour. Last year daw ay hindi na sila nakasama kaya two years nang sarili nila ang lakad. Tatlong taon na ang relasyon nila at hindi rin sila napi-pressure kung kailan talaga pakakasal.

Sa Bicol naman pupunta ang Moon of Desire star na si Meg Imperial. Inurirat tuloy namin siya na taga-Bicol ba ang boyfriend niya dahil madalas siyang magbakasyon doon? Anak ba ng dating Governador ang syota niya, ‘yung nagkagusto kay Sarah Geronimo?

“Sino? Wala akong dyowa,” tumatawa niyang sagot.

“Taga-Bicol talaga ako. Imperial. Naga si Mama, Taga-Legazpi, Albay si Papa.Solid,” sambit pa niya.

“Pero kung mayroon man…sana,” tumatawa na naman niyang sabi na parang mayroon talagang itinatagong bf.

“Talagang uuwi lang talaga kami. Nagpapabasa kami every year. Sa Naga kami uuwi tapos magmi-Misibis siguro kami ,” aniya pa.

Sa pakikipanayam namin kay Meg hindi man diretsahan pero parang may pumoporma rin sa kanya sa mga leading men niya sa Moon of Desire. Walang girlfriend ngayon  si JC De Vera, nagpaparamdam ba siya?

“Si JC? Ewan ko. Hindi naman. Close kami, ganoon?,” saad niya.

Parang naa-attract siya kay JC?

“Hindi naman. Okey lang, siyempre love team ko siya. So, mayroon namang ano. At least kailangan din mayroon kaming attraction bilang magka-love team. Personality wise, okey naman siya, gentleman,” sey pa niya.

Tinanong din namin si Ryan Bang kung saan siya ngayong Holy Week?

“Wala po. Nandito lang po siguro ako sa Philippines. Sa bahay lang siguro. Nag-iipon muna ako,” tugon niya.

Bakit kailangan niyang mag-ipon?

“Kasi, hindi  pa tapos ang BIR ko, eh! Two years na bawas suweldo ko, kalahati. Simula nang nagkaisyu hanggang ngayon. Nangutang kasi ako sa ABS, buti nga sila nagbayad po, bawas na lang sa suweldo kaya ipon muna.

“Gusto ko sana pumunta ng Korea pero next year na lang. Papuntahin ko na lang family ko rito. Mga June siguro, manood sila ‘It’s Showtime’,” sey ni Ryan.

Last Holy week ay nasa Hongkong daw siya kasama si Vhong Navarro.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …