ANO ba itong kumakalat na tsismis sa Aduana, my dear reader, isang dating commissioner ng Customs at isang sikat na broadcast journalist ang partner sa smuggling ng bigas sa Bureau.
May tsismis pa rin na may grupo pa rin na pinipilit isalya sa smuggling ang kanilang dalawang gatasang Tsinoy na smuggling ang hanapbuhay. Tumabo ang mga Tsinoy sa nakaraang administration sa Bureau na pinaratangan din corrupt sa kabila nang matuwid na daan na kuno na ipinapairal ng PNoy government.
‘Eto pa rin ang tsismis na pinaratangang “Goliath of Smuggling” na si David Bangayan, a.k.a. David Tan, may may financier/backer kuno na involve sa bigtime sports sa bansa bilang isang tycoon at isang Tsinoy.
Siya ay may initials na W.C., tila mahirap habulin ng BIR dahil marahil sa rami ng kanyang tax shelter upang ikubli ang milyon-milyong tinatabo sa kanyang racket.
Ilan sa matitinding tsismis na ito, balita natin ay nakarating sa kaalaman ng magiting na Customs Deputy Commissioner Jessie Delosa na sang-ayon sa ating mga bubwit sa Aduana ay isang malaking rason na siya ay binabatikos nang todo-todo sa media. Isipin na ang mga member ng broadcast journalism industry ay katulong pa rin ang ilang mainstream print journalists. Iyon bang mga “pen for hire” or “mercenary” (may ilang columnists din).
Siguro nararamdaman na rin ni DepCom Dellosa ang epekto ng pagiging strait at no nonsense official niya sa ahensya tulad ng Bureau of Customs. Tulad talaga ito sa Aegean stables. Corruption is in every nook and corner of the bureau, sa kabila ng campaign against corruption at smuggling.
Ngayon natanggal ang isang malaking tinik sa lalamunan ng mga consignee. Sila ay iyong ‘TARA’ group na nagkalat sa Bureau, mas lalo na sa MICP na biggest bulk of business activity ay nandoon. Seguro may 80 percent of the volume of transactions nandito sa MICP at P0M, kaya dito concentrated ang mga tirador ng Bureau at maging mga kasbwat nilang mga trader. Malaki rin ang nabawas sa araw-araw na mga kotongero. Kaya naman ang ginawa ni Commissioner todo higpit siya sa paglalagay ng value sa mga kargamento, tulad na lang ng resins, from P180,000 to P400,000 per container van. Noong panahon halimbawa ni dating Commissioner Boy Morales, umaabot lang sa P20,000 per container. Nawala ang mga kotongero at karamihan sa mga suspect inalis sa mga highly sensitive positions. Sa pagtaas ng value ng assessment lumiit na pagkaliliit ng kita ng maraming broker. Marami na rin tumigil pansamantalsa sa broker. Alaws na raw kita.
Kaya lang ang kanilang reklamo, and take note Commissioner Sevilla, tumaas din ang tara ng mga examiner at appraiser ginamitan nila ng cover na “OT” (0vertime to give scam a semblance of legality). Umiiyak syempre ang mga broker. Ito ang dahilan kung bakit marami raw sa kanila ang tumigil muna.
Itong partershnip ng dating commissioner at ng isang broadcaster ng malaking network balita natin kahit noon pa mang previous administration. May tsismis pa nga na dahil sa pagiging matakaw ni broadcaster akalain mong makahataw siya ng P20 milion sa kasagsagan ng smuggling before? Aba kahit pa nagpapaaral ka ng mga anak sa USA or Europe, yakang-yaka.
Sasabihin ba naman ang mga pilosopong mga taga- bureau, lalo iyong nakikinabang sa mga tara. We need strong evidence. Kaya nga ang ating nasagap, ang ilang birada kay DepCom Dellosa ay may kinalaman sa tsismis uko sa immoral illegal and indecent business partnership ng mga ‘sikat na mga broadcaster’ na iyon pala’y menace sa profession at dapat habulin ng BIR for hidden wealth.
Arnold Atadero