ni Peter Ledesma
NAKITA lang na magkasama sa isang event sina Andi Eigenmann at dating child actor na si Tom Taus ay agad-agad na naging topic sa social media, at ini-pick-up ng mga tabloid, na si Tom na raw ang bagong boyfriend ni Betty (Andi) ng teleseryeng Dyesebel.
Sabi sa sobrang inis raw kasi ni Andi sa patuloy na pagde-deny sa kanya ni Jake Estrada na may bago na raw labs at sa kagustuhang makaganti ni Andi ay mabilis na naghanap ng kapalit at si Tom na nga raw ang new BF ng young actress.
Si Jake naman ay iniuugnay sa showbiz segment anchor ng TV Patrol na si Gretchen Fulido pero di raw ito totoo. Samantala nang ma-interview si Tom tungkol sa kanila ni Andi. Sinabi ng utol ng comebacking actress na si Antoniette Taus na childhood friend ng brother niya ang actress. Madalas daw kasing dalhin ng kanyang Mommy Jacklyn sa set ng pinagsamahang project noong time na masyado pang visible si Tom sa showbiz, kaya bata pa lang ay naging close na sila ni Andi. Ngayon narito siya sa Pinas ay nagha-hang out sila ni Andi at enjoy silang magkasama dahil funny at very nice girl.
Oh! hayan loud and clear na gyud!
DREAMSCAPE WRITER NA SI NOREEN CAPILI, BEST-SELLING AUTHOR NA!
Ang ABS-CBN/Dreamscape writer na si Noreen Capili ay isa nang best-selling author. Siya ang may akda ng best selling book na “Parang Kayo Pero Hindi.” Ang nasabing libro (published by Anvil Publishing) ay nasa 6th printing na. Isang patunay na hit na hit talaga ang book na ito ni Noreen or mas kilala sa social media bilang Noringai. Sa mga hindi nakaaalam, si Noreen ay isang TV writer ng ABS-CBN. Ilan sa mga hit teleseryeng kasama niyang naisulat for TV ay ang Walang Hanggan, Katorse, Green Rose, My Binondo Girl, Rubi, Aryana at ang hit teen drama na Mirabella.
Ang “Parang Kayo Pero Hindi” ay tungkol sa iba’t ibang relationship. “Complicated relationships, secret love, first love, forbidden love. Pero humurous ang atake. Light and funny,” sabi ni Noreen. Nakarating na rin sa iba’t ibang bansa ang libro ni Noreen. Isang patunay na kapag love at relationship ang tema, kahit saang panig ng mundo, basta Pinoy ay nakare-relate dito. Nasa Star Cinema na ang rights ng “Parang Kayo Pero Hindi” at nakatakda na itong isalin sa pelikula. Tiyak na kaabang-abang kung paano maisasalin sa pelikula ang isang hit na librong ito.
BACK TO BACK NA LENTEN SPECIALS NG EAT BULAGA NGAYONG HOLY WEDNESDAY
Matindi ang iniwang impact sa lahat ng mga Dabarkads ng ipinalabas na back to back Lenten Specials ng Eat Bulaga na nagsimula nitong Holy Monday at magtatapos ngayong Holy Wednesday. Kahit ‘yung mga pusong bato ay hindi talaga napigilan na hindi maluha sa napanood nilang episodes sa mga napapanahong kuwento ng ina, tahanan at pag-asa. Ngayong Miyerkoles Santo bibida naman sa episode na “Anyo Ng Pag-ibig” sina Pauleen Luna, Ryan Agoncillo, Jimmy Santos, Ruby Rodriguez, Kristal Reyes at Valerie Weigmann sa direksiyon ni Mike Tuviera ang director. Tatalakay ito sa buhay ni Venus, isang babaeng walang buhok at ngipin. Mapapanood sa huling episode ng Eat Bulaga Lenten Specials ang “Pangalawang Bukas” na magtatagisan sa pagdadrama sina Bossing Vic Sotto, Jose Manalo, Anjo Yllana at Ryzza Mae Dizon directed by Bibeth Orteza. Base ito sa istorya ng tatlong tao na naligaw ng landas at kung paano nasubukan ang kanilang pananalig sa Diyos patungo sa pagbabalik-loob sa kanya. Maghanda na ng panyo Dabarkads dahil isa-isa tayong paiiyakin sa nasabing Lenten Specials ng longest-running noontime variety show sa telebisyon.