Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TV5, mahilig kumuha ng mga banyagang talent na wala namang talent?

ni  Pilar Mateo

HINDI naman nadaanan ng mata namin kailanman ‘yung palabas sa TV5 na may magic-magic at ang mahusay na host at komedyanteng si Arnell Ignacio pa raw ang host sa Kapatid Network.

May bago siyang co-host dito na sinasabing YouTube sensation din. Her name is Donnalyn Bartolome. At hinanap ko nga ito sa Google at naloka naman kami sa mga nakita namin.

May nagkuwento sa amin kasi na ikinaloka pala ni Arnell ang pakikipagtrabaho sa bagong artist na ito na ang manager daw eh, banyaga pa.

Minsan daw na nag-taping sila sa Star City, imagine, napatayan sila ng ilaw dahil lang sa kahihintay nila rito na mamemorya ang kanyang lines. Na sinabi naman daw ni Arnell na hindi kailangang verbatim.

Mayroon daw kasi sa script na word na ‘obsessed’. Ayaw daw niya ‘yung gamitin. Ask daw ni Arnell kung ano ba ang gusto niyang salita instead of ‘obsessed’. Aba mas preferred daw nito ang ‘luka-luka’.

Isa pang taping day daw, nag-deliver ng lines niya si Arnell. Ang gerlalu nakatunganga at waley sinasabi. When Arnelli asked her, ang say, “You missed a line.”

Hindi na raw nakatiis si Arnell at tinalakan na ito sa pag-a-attitude. Gusto raw ba nito na ihampas na lang sa kanya ni Arnell ang script?

But right after the bugso kay Arnell, kinausap at pinangaralan niya ang bagitong kinuha to co-host with him.

Kasi, kilala naman daw ito ng mga tao. Pero minsan na may magpa-picture at tanungin kung saan nga siya lumalabas, aba umismid daw ito sa nagtanong sabay sabi ng ‘Hindi bale na lang po!’

Attitude, ‘di ba! Pero masarap siguro ito ma-meet at makatsika.

Teka, bakit ba get nang get ng mga banyaga ang TV5 sa mga nagko-co-host? Gaya sa ipinalit kay Arnell sa dance show nila?

Asking lang naman…

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …