Father, forgive them, for they don’t know what they’re doing. –Luke 23: 24
MAINIT na pinag-uusapan ngayon ang nakatakdang pagpunta ni Pangulong Joseph Estrada sa Hong Kong para sa muling paghinge ng paumanhin, sorry o tawad sa Hong Kong Government kaugnay sa naganap na hostage-taking crisis sa Quirino Grandstand, Rizal Park na ikinamatay ng walong Hong Kong nationals noong Agosto 23, 2010.
Wala pang eksaktong petsa kung kailan ang pag-alis ni Pangulong Erap, subalit, aalis umano siya matapos ang Semana Santa.
***
“We need them, more than they need us. I am just after the interest and welfare of our overseas Filipino workers”
Ito ang katwiran ni Pangulong Erap, at inisip aniya, ang kapakanan ng mahigit 160,000 Filipino workers na nagtatrabaho sa Hong Kong.
***
PERO sa gana ng inyong lingkod, hindi na kailangan pa ang pagpunta ni Pangulong Erap sa Hong Kong para ipaabot ang personal na pag-hingi ng sorry.
Sapat na ang binitiwang salita at pagpapa-dala ng inaprubahang resolusyon ng Manila City Council na naglalaman ng pagpapaunmahin ng siyudad, kahit batid naman na walang may gusto sa pangyayari.
MAY OFWs RIN
NA NAMAMATAY
SA HONG KONG
DAPAT din isipin na may nagawa rin pagkakasala ang gobyernong Hong Kong sa ilang OFWs na naroroon.
Hindi ba’t ilang OFWs na rin ang minaltrato ng kanilang mga amo na hindi nabigyan ng hustisya ng Hong Kong Government?
Nakatanggap ba tayo ng sorry mula sa Hong Kong Government?
***
ILANG OFWs rin ba ang hindi nabibigyan ng sapat na suweldo ng kanilang mga amo na Hong Kong nationals, pero wala tayong sorry na nari-nig sa kanilang gobyerno.
Ilang OFWs na rin ba sa Hong Kong ang umuwing bangkay matapos patayin sa gulpi at gutom ng kanilang mga amo?
May sorry ba tayong narinig sa kanila?
***
INAALILA ang ating OFWs sa Hong Kong, subali’t hindi sapat ang kanilang natatangap na benepisyo mula sa kanilang mga employers.
Sa tingin ng inyong linglod, dapat rin hu-mingi ng paumanhin ang Hong Kong Government sa OFWs dahil sa mga nagawang kalupitan ng kanilang mamamayan sa ating mga kababa-yan .
We also deserved sorry from them!
***
KAYA nagtatrabaho sa labas ng bansa ang mga Filipino ay dahil walang mahanap na oportunidad dito sa Pilipinas.
May kasalanan din ang ating gobyerno, kung maayos lamang ang sistema ng labor and employment sa bansa, hindi na magtitiyaga ang OFWs na mangibang bansa pa.
Kaya, sorry for us!
SA DIYOS HUMINGI
NG TAWAD
IMBES humingi ng sorry sa kung sino-sino Poncio Pilato, mas dapat humingi ng paumanhin sa ating Lumikha ngayong Semana Santa.
Sa ating Panginoong Hesuskristo ang nararapat ang salitang sorry na dapat ibigay ninuman. Marami tayong nagawang kasalanan sa kanya, higit na akma ang salitang ito para sambitin natin sa kanya.
***
SORRY sa mga pagkakamali, sa mga kasalanan nagawa, sorry sa mga pagsuway sa kanyang utos, sorry sa mga pagkukulang at pagkalimot at sorry sa inaakalang tama ay mali pala.
Mahalaga ang paghingi ng sorry, nguni’t dapat ibigay ito sa nararapat na nilalang, sa tamang panahon, sa tamang pagkakataon.
Sorry po, kolumnista lang!
ANG PAGMAMALASAKIT
NG GRUPONG ALAM
SA RUBIE GARCIA MURDER CASE!
NAPAKAGANDANG adhikain ang inialok na dagdag P50,000 reward money ng grupong Alab ng Mamamahayag o ALAM para sa makapagtuturo sa salarin at mastermind sa brutal na pagpaslang kay Remate tabloid reporter Rubilyn Garcia, sa Bacoor, Cavite, kamakailan.
Hindi talaga matatawaran ang pagmamalasakit at pagmamahal ni bossing Jerry Yap sa mga kapatid niya sa hanapbuhay.
***
ALAM ni Bossing Jerry ang kahalagahan ng pagiging isang mamamahayag, ang kanilang responsabilidad at tungkulin sa mamamayan bilang tagapaghatid ng totoong balita.
Kaya, sumatutal ay umabot na sa P150,000 ang reward money kasama ang alok nina Bacoor, Mayor Strike Revilla at Cavite Governor Jonvic Remulla. Panawagan natin na maresolba agad ang panibagong kaso ito ng pagpatay sa mga Filipino journalist.
Jail the killers of Rubie!
Para sa anumang komento, mag-e-mail lamang sa [email protected] o mag-text sa 0932-321-4355. Ang ating kolum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.
Chairwoman Ligaya V. Santos