KARANIWANG tinatanggihan ng mga tao ang mga pusa at aso sa iba’t ibang dahilan ngunit bibihirang dahil sa napakabahong utot.
Si Lenny, ang black and white domestic shorthair stray, ang masasabing pinakamatindi, ibinalik sa Scottsville Veterinary Hospital and Pet Adoptions sa Washington dahil sa madalas na pag-utot.
Ang pusa ay nasagip sa Rochester, New York park noong Pebrero at inalagaan sa Scottsville.
Siya ay inampon nitong nakaraang buwan, ngunit makalipas ang dalawang araw, ibinalik siya sa shelter dahil “he farts all the time,” ayon sa intake papers na isinumite ng kanyang short-time owner.
Ayon sa nasabing short-time owner, dahil sa madalas na pag-utot ng pusa, maaaring nababagay siya sa buhay sa labas.
“Since he’s been back here, there haven’t been any problems,” pahayag ni Jessica Giehl, Scottsville’s adoptions director. Clean living and a healthy diet may be the reason for that, “but we did still nickname him ‘Smelly Cat.’”
Naging minor celebrity ang pusa dahil sa March 31 Facebook posting ng Scottsville Veterinary Adoptions’ home page, at mistulang nagkaroon ng “happy ending” ang kwento ng buhay ni Lenny.
“Hello! I was returned today because I fart too much. I am hoping I can find a person who can love me even with my stinky farts. I am a 19-month-old neutered male and would love to be your smelly cuddle cat. I am very friendly and love to be petted and held. I am even wearing a tuxedo so I’ll look snazzy if you come to see me.”
Ang pusa ay muling inampon nitong Abril 7.
(ORANGE QUIRKY NEWS)