JOKE lang at hindi pamumulitika ang pagtawag na “President Roxas” kay Interior Secretary Mar Roxas sa pagtitipon na namahagi ang kalihim ng halagang P2-B proyekto sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.
Depensa ito ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa mga bumatikos sa tila maagang pamumulitika ng Liberal Party nang tawagin na “President Roxas” ang DILG secretary ni Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya.
“Minsan, talaga ‘pag nandoon na baka nagbibiro lang naman talaga sila Secretary Abaya. I don’t think any offense was meant by that nor was it meant to signal anything,” ani Valte.
(ROSE NOVENARIO)