Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P50 pusta ‘di binayaran padyak boy tinarakan

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng 32-anyos  pedicab driver makaraang pagsasaksakin ng kanyang nakapustahan sa labanang Pacquiao- Bradley kamakalawa ng hapon,  sa Navotas City.

Inoobserbahan sa Tondo General Hospital (TGH) ang biktimang kinilalang si Jonathan Parcia, 32,  residente  ng Phase 1-B, North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing  lungsod, sanhi ng mga saksak sa iba’tibang bahagi ng katawan.

Agad naaresto ang suspek na si Erlybris dela Cruz, 31, ng Phase 2, Tumana St., Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) na nahaharap sa kasong frustrated murder.

Nabatid, nagkapustahan ang biktima at suspek sa halagang P50 kung mapapabagsak ni Pacman si Bradley sa kahit anong round pero  dahil hindi nangyari at kahit  nanalo si Pacquiao ay ayaw ring  magbayad si Parcia.

Dito nagalit ang suspek  at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan.

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …