Friday , November 15 2024

Mark, late bloomer kaya never pang nagkaka-GF

ni  Pilar Mateo

ANG test sa kanya ay kung naging bihasa na ba siya sa pagsasalita ng wikang Tagalog na tama ang pagkabigkas o isang banyaga pa rin ang magiging papel niya sa roles na ibibigay sa kanya.

Sabi naman ni Mark Neumann, nasanay na siya sa Tagalog noong mag-aral siya rito sa ‘Pinas dahil nag-iiba-iba nga sila ng tirahan. Bata pa siya noon. At kung hindi rito, either nasa England or Germany sila.

At sa pagsali nito sa Artista Academy napabilang na siya sa mga brightest star ng Kapatid Network at nakita na natin siya sa sari-saring palabas ng TV5, gaya sa Madam Chairman, Lady Next Door, at Tropa’ng Unli. At ngayon, gumaganap siya bilang torpeng pamangkin ni Ogie Alcasid (as Tupe) sa Confessions of a Torpe bilang si Hanley na lagi namang binu-bully ng character ni Albie Casino.

Kaya ang tanong namin kay Mark, eh kung naging torpe na ba siya sa ilang pagkakataon?

“Feeling late bloomer ako talaga. Wen it comes sa panliligaw, I consider myself torpe. ‘Pag napapalapit na ako sa crush ko, nahihiya ako.”

At maniniwala ba kayo na up to now, wala pa raw nagiging girlfriend si Mark? Kahit sa England o sa Germany?

“Yes, hindi pa ako nagkaka-girlfriend. I am 19 years old. Kasi, naging busy ako sa studies ko when we were in England. Here naman now, I am concentrating na more with my work.”

Kanino siya nagagandahan sa mga girl in showbiz?

“A few girls lang. Jasmine Curtis and Ms. Alice Dixson. Napapag-iwanan na nga ako ng mga friend ko. Sila, parang mga mamang-mama na. Ako baby-face pa rin daw.”

Baka naman mapagkamalan ka na bading dahil parang wala sa hinagap mo ang girls o manligaw man lang?

“I know who I am. And I am not afraid. Siguro, focused lang ako with what I want to do muna. I am having a grand time sa set ng ‘COAT’ kasi, I am working with my idols. Kaya rin siguro mas nagiging driven ako. And ‘yung sa pagta-Tagalog ko, mas effective sa akin ‘yung nakikipag-usap ako kaysa I read lang.”

Apart from getting to achieve his goals ngayong nabibigyan na siya ng oportunidad sa pag-aartista, patuloy pa rin daw si Mark sa pagsuporta sa kanyang pamilya.

“I’ve had quite a few challenges in life already. Bata pa,lang ako, nag-work na ako (in a shampoo factory in England). Tapos, uwi kami rito. Aral ako. Tapos, punta Germany. Kahit marami kaming tinirhan marami rin akong napulot at natutuhan sa lahat sa kanila.”

Pero sabi nga namin kay Mark, nang dalawin namin ito sa taping nila, huwag masyadong subsob sa work na hindi na nakikita o napapansin man lang ang kagandanhan ng mga anak ni Eba.

Or else…mag-iisip talaga ang mga tao….

About hataw tabloid

Check Also

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Evelyn Francia Nick Vera Perez

Evelyn Francia, NVP1World’s International Inspirational Wonder

PINATUNAYAN ni Evelyn O. Francia na hindi balakid ang edad para abutin ang pangarap.  Sa edad 67, …

Roselio Troy Balbacal

Part time actor-businessman Troy itutuloy pagtulong sa TUY, Batangas 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging kagawad, tatakbo namang konsehal ng TUY, Batangas ang part time actor, …

Ivana Alawi Mona Alawi

Ivana Alawi nanggigil, napamura sa mga nanlait sa bunsong kapatid 

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang mapamura ng actress-vlogger na si Ivana Alawi sa sobrang galit sa mga basher …

Francine Diaz Malou de Guzman

Lola ni Francine nangangagat ‘pag naglalambing

RATED Rni Rommel Gonzales ANG lola niya ang dahilan ni Francine Diaz para tanggapin ang pelikulang Silay. Tulad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *