Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasalang Isabel Oli at John Prats, proposal at date na lang ang kulang

ni  Roldan Castro

PANGALAWANG taon na ang pagsasama nina Isabel Oli at ng actor ng Banana Split na si John Prats ngayong Holy Week. Gaya last year, sa Batangas daw sila pumunta.

Mauuwi na ba sa kasalan ngayong taon ang pag-iibigan nila? Hindi ba sila napi-pressure na ilang beses nang napabalita na nag-propose si John?

“Ay hindi. Actually, sumi-segue  kami sa planning ‘pag nagku-kuwentuhan. Parang dapat ganito ‘yung wedding natin, ganito lang kasimple, ganoon,” bulalas niya nang makatsikahan namin siya sa fashion show ng ini-endorse niyang Sophie Paris Philippines sa Lucky Chinatown Mall.

Garden wedding ang gusto niyang mangyari at agree naman si John doon. At inamin niya na proposal na lang ang kulang sa mga panahong ito at date kung kailan talaga. Pero tinitiyak niya na hindi sa taong ito o next year.

“Imposible ‘yun. Gusto namin pero parang imposible.’Pag pinag-uusapan namin parang imposible talaga.

Bakit imposible? Kasi may kontrata?

“Oo..lalo na siya,” tugon niya.

Pero ramdam ba niya na si John na talaga?

“Oo. Iba , eh, hindi ko ma-explain. Mararamdaman mo, eh! Pero tingnan natin. Ayaw kong magsalita ng tapos,” aniya pa.

Tsuk!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …