ni Vir Gonzales
BAGUHAN lang sa showbiz si James Matthew na introducing sa pelikulang DOTA, pero malakas ang appeal sa mga tagahanga noong mangailangan ang bagets na maipareha kay Joyce Ching.
Si James ang napiling itambal ng producer na si Marivic Cuyugan. Malaki ang tiwala ng producer sa kakayahan ni James, noong mapanoold ang mga eksena nito na magaling sumayaw, bukod sa umarte. May kasunod na nga kaagad na project ang binatang nali-link ngayon kay Joyce.