Ang ABS-CBN/Dreamscape writer na si Noreen Capili ay isa nang best-selling author. Siya ang may akda ng best selling book na Parang Kayo Pero Hindi. Ang nasabing libro (published by Anvil Publishing) ay nasa 6th printing na. Isang patunay na hit na hit talaga ang book na ito ni Noreen or mas kilala sa social media bilang Noringai.
Sa mga hindi nakaaalam, si Noreen ay isang TV writer ng ABS-CBN. Ilan sa mga hit teleseryeng kasama niyang naisulat for TV ay ang Walang Hanggan, Katorse, Green Rose, My Binondo Girl, Rubi, Aryana, at ang hit teen drama na Mirabella.
Ang Parang Kayo Pero Hindi ay tungkol sa iba’t ibang relationship.
“Complicated relationships, secret love, first love, forbidden love. Pero humurous ang atake. Light and funny,” sabi ni Noreen.
Nakarating na rin sa iba’t ibang bansa ang libro ni Noreen. Isang patunay na kapag love at relationship ang tema, kahit saang panig ng mundo, basta Pinoy, nakare-relate rito.
Nasa Star Cinema na ang rights ng Parang Kayo Pero Hindi at nakatakda na itong isalin sa pelikula. Tiyak na kaabang-abang kung paano maisasalin sa pelikula ang isang hit na librong ito.