ni Roldan Castro
PINAG-UUSAPAN ngayon ang pagdalaw ni Benjamin Alves kay Jennylyn Mercado sa hospital. Although, nakalabas na ang aktres sa St. Lukes Medical City noong Sabado. Hindi nakakapag-taping ng ilang araw ang serye ni Jen sa GMA 7 dahil sa virus na pumasok sa katawan niya.
Nakuha ni Jen ang viral niya sa isang endorsement event. Sobrang sangsang at mabaho raw sa lugar at nalanghap niya lahat ‘yun. Silang dalawa ng driver niya ang naospital dahil nasinghot umano nila ang baho ng Manila Bay.
Anyway, isa si Benjamin sa napapabalitang masugid na manliligaw ngayon ni Jen.
Pero mariing sinabi ng aktres na ayaw niya munang mag-entertain. Bukod dito, hindi lang naman daw si Benjamin ang dumalaw sa kanya kanya kundi marami.
Mukhang hindi na matutuloy ang pagpunta ni Jen para mag-dive sa Batangas ngayong Holy Week dahil baka mabinat pa siya at lalong maantala ang taping ng kanyang serye.