Friday , November 15 2024

Arrest warrant vs Cedric, Deniece inilabas na

KINOMPIRMA ni Justice Secretary Leila de Lima na nagpalabas na ng arrest warrant ang Metropolitan Trial Court (MTC) ng Taguig laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at limang iba pa na kinasuhan ng grave coercion.

Ayon kay De Lima, ang nasabing arrest warrant ay nilagdaan mismo ni Branch 74 Judge Bernard Bernal ng Taguig City MTC.

Ang arrest warrant ay hiwalay sa kasong serious illegal detention na naisampa sa Taguig City RTC Branch 271.

Napag-alaman na ang nasabing warrant of arrest ay una nang nailabas nitong araw ng Biyernes.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa nangyaring pambugbog sa TV host/actor na si Vhong Navarro.

Nabatid na ang kasong grave coercion ay bailable offense kaya pinapayagan ang respondents sa kaso na magpyansa ng P12,000 kada tao.

(LAYANA OROZCO)

NAMBUGBOG KAY VHONG HINARANG SA AIRPORT

BIGONG makalabas ng Filipinas si Ferdinand Guerrero, ang co-accused sa pambubugbog kay TV/host actor Vhong Navarro, nang pigilan ng immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Batay sa report ng media office ng NAIA, patungo sana ng Hong Kong si Guerrero na nagwala sa paliparan nang pigilan kahapon ng madaling araw.

Iginiit ni Guerrero, walang arrest warrant na inilabas ang korte kung kaya’t malaya pa rin siyang makalalabas ng bansa.

Si Guerrero ay sasakay sana ng Cebu Pacific Flight 5J108.

Si Guerrero ay kasama ni Cedric Lee, Deniece Cornejo at iba pa na kinasuhan ng DoJ ng serious illegal detention at grave coercion sa Taguig City RTC Branch 271 dahil sa pambubugbog kay Navarro noong Enero 22, 2014.

About hataw tabloid

Check Also

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *