Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Regine Tolentino, tagapagpalaganap ng healthy lifestyle

ni  Nonie V. Nicasio

BUKOD sa pagiging Dance and Fashion Diva, si Regine Tolentino ay isa ring healthy lifestyle advocate. Sa matagumpay na Summer Style Savvy with Regine Tolentino sa Eastwood Mall na ginanap recently, isa ito napansin namin sa kanya.

Nang amin nga siyang mapakapayam, binigyan empasis niya ang kahalagahan ng healthy lifestyle lalo na sa isang tulad niyang celebrity na active sa pagsasayaw, sa zumba at kilala bilang isang matagumpay na businesswoman.

Sa naturang event ay nagkaroon ng hairstyling (RT Braids) and health workshops na nagpakita ng iba’t ibang pag-istilo ng buhok at ang kahalagahan ng pagiging healthy. Kabilang sa nakibahagi rito ay ang tinaguriang Fire and Belly Dance Queen at dating Viva Hot babe na si Andrea del Rosario with  celebrity  fitness  trainer  and  nutritionist na si Michaella  Recto.

Dito ay nagsalita si Michaella ng mga pagkaing nakabubuti sa ating kalusugan. Si Andrea naman, bukod sa pagkukuwento kung paano siya nakabalik sa katawang healthy and sexy matapos manganak, nagpakita rin siya kung gaano ka-epektibong pamamaraan ng pag-eehersisyo at pagpapa-sexy ang belly dancing.

Nagkaroon din dito ng dance exhibition mula The Red Ribbon Care Management Program na tinatag ng Fitness Trainer na si Ico Rodulfo. The RRCMP is a non-government organization na binubuo ng mga Filipino na na-diagnosed with PLHIV (People Living with HIV).

Bukod sa pagzu-zumba, kasama ang buong pamilya ni Regine na sina Lander Vera Perez, mga anak na sina Reigne, Reigen at iba pa, ang highlight ng event sa Eastwood ay ang fashion show ng Infinity Shawls na si Regine mismo ang nag-design. Sa naturang presentation ay ipinakita ni Regine ang higit sa 30 pamamaraan ng paggamit o pagsusuot ng innovative looped scarf na ito. Definitely isa ito sa most unique and fabulous fashion ideas ni Regine! Panalo ang Infinity Shawls na ito na nakakabilib talaga dahil sa napakaraming gamit nito na pati sa lalaki ay puwede rin pala.

Incidentally, ang Infinity Shawl ni Regine ay mabibili exclusively sa Regine’s Boutique na matatagpuan malapit lang sa studio ng Eat Bulaga sa Broadway Centrum.

Ang sponsor ng naturang event ay ang Darlington Socks and EXPED Socks, Detoxify Bar, C-Lium Fibre, RT STUDIOS, Regine’s Boutique,  RT BRAIDS, RT Infinity Shawls, at Instagram Shop: @charmstomultiply.

Nakiisa rin dito ang country’s top Zumba Instructors gaya nina, Toots Ensomo, the first ever multi-awarded Aerobics champion of the World, the first and only Filipino Zumba education  specialist  in  the  world,  Prince  Paltu-ob, Dan  Cabiling,  the  most  prolific  professor-mentor  in  the  Aerobics  and  Fitness  Association  of  America  (AFAA)  in  the Philippines,  Madelle Paltu-ob  the  wife  of  ZES  Prince  Paltu-ob,  Bennie Almonte the manager of RT STUDIOS, Michael Sarmiento, Osang de Jesus, Jade Sandoval, Kennet Legada, at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …