ni Ronnie Carrasco III
SA hanay ng mga taga-showbiz, tanging ang theatre/film actor na si Pen Medina ang nakiisa sa panawagan kamakailan ng ilan sa ating mga mamamayan na papanagutin na sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, at Bong Revilla na sangkot sa pork barrel scam.
Obviously, two of the lawmakers involved in the scandal are Pen’s colleagues, pero kung bakit wala siya sa panig ng kanyang mga kasamahan sa showbiz ay maliwanag na ‘di pangungunsinti sa gawain ng mga gahamang ito sa paningin ng buong sambayanan.
Kung magkakaroon lang marahil ng random survey among showbiz denizens (prodyuser, direktor, artista, manunulat hanggang sa mga extra, makeup artist down to the utility men), there’s a Pen Medina in all of them.
‘Yun nga lang, these Pen Medinas choose to exercise silence, pero hindi ibig sabihin ng kanilang katahimikan ay pag-ayuda sa mga alibi o palusot nina Jinggoy at Bong. Lest these solons forget, the public fury and furor are not simply centered on them, kundi sa mga taong gobyerno who have colluded with the scam mastermind to rob the people’s money.
Bumilib kami kay Pen for bravely coming out in the open while his peers seem to lift no finger to address a national issue.
Maaaring bahag ang mga buntot ng maraming taga-showbiz who receive, are receiving or have received favors or material gains from these senators. Kanya-kanyang trip lang ‘yan.
Here’s hoping that the enraged nation sustain its vigorous fight laban sa mga politikong sangkot sa pork barrel scam.
At isang paraan ay pagmamarka ng bawat desmayadong Pinoy ng kanilang mga mambabatas na ‘yon na nangangarap o nag-iilusyon pang umupo sa mas mataas na puwesto sa darating na 2016.
Putting their faith in them again is like legalizing bureaucratic theft at the expense of the poor.