TUWANG-TUWA na iwinagayway ng dalawang bata ang watawat ng Filipinas nang manalo si Manny “Pacman” Pacquiao sa laban kay Timothy Bradley, na pinanood nila sa Baclaran Elementary School-Central covered court kahapon. (JIMMY HAO)
ITINUTURING ng Palasyo ang tagumpay ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao laban kay Timothy Bradley bilang simbolo ng pagbangon ng bansa, makaraan ang su-nod-sunod na kalamidad noong nakaraang taon.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, inspiras-yon sa sambayanang Filipino si Pacquiao at malinaw ang mensahe natin sa buong mundo na kahit napatumba tayo nang malalakas na bagyo ay laging nakababangon.
“The deep faith, solidarity, and strength of will of the Filipino people will always prove stronger,” aniya.
Giit niya, muling ipinagdiriwang ng buong bansa ang tagumpay ng Pambansang Kamao dahil makaraan ang 12 rounds, ang lakas at ga-ling ni Pacquiao ay na-naig laban kay Bradley at nabawi niya ang World Boxing Organization Welterweight title.
“Manny’s triumph further proves that as long as Filipinos pour their heart and soul into their respective fields and disciplines, they can overcome any and all setbacks and challenges that may come their way,” dagdag ni Valte.
(ROSE NOVENARIO)