Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NLEX kontra Cagayan Valley

IPAGPAPATULOY ng NLEX ang pananalasa nito kahit na wala pa si head coach Teodorico Fernandez III at limang manlalarong nagtungo sa Lithuania noong nakaraang linggo

Puntirya ng Road Warriors ang ikalimang sunod na panalo kontra Cagayan Valley sa PBA D-League Foundation Cup mamayang 4 pm sa JCSGO Gym sa Quezon City.

Sa ibang mga laro ay magkikita ang Blackwater Sports at Derulo Accelero sa ganap na 10 ng umaga at magtutuos naman ang Jumbo Plastic at Hog’s Breath Cafe sa ganap na 12 ng tanghali.

Sina Fernandez at limang manlalaro buhat sa San Beda College ay nasa Lithuania para mag-training at paghandaan ang nalalapit na NCAA season kung saan nagtatanggol na kampeon ang Red Lions.

Ang paggiya sa Road Warriors ay iniwan kay Raymond Celis na hindi naman bumigo sa pagtitiwala sa kanya. Inihatid ni Celis ang NLEX sa 88-67 panalo kontra Cafe France noong Martes.

Sa larong iyon ay nagpugay para sa Road Warriors ang bago nilang manlalarong si Bobby Ray Parks na nakuha nila buhat sa Banco de Oro-National University na hindi lumahok sa torneong ito.

Nakabawi naman ang Cagayan Valley buhat sa masamang simula kung saan natalo sila sa unang dalawang games. Dinaig ng Rising Suns ni coach Alvin Pua ang Cebuana Lhuillier (70-67) at Derulo Accelero 76-74).

Ang Jumbo Plastic ni coach Stevenson Tiu ay may 2-1 karta. Hangad ng Giants na umakyat sa ikalawang puwesto at makasalo ang Cebuana Lhuillier.

Kabilang sa sinasandigan ni Tiu sina Mark Parala, Karl Dehesa, Jason Ballesteros, Elliot Tan at Jan Colina.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …