HINDI pinayagan ng Korte Suprema ang paggamit ng laptop sa panahon ng Bar Examinations.
Sa en banc resolution noong April 1, ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ang kahilingan ng isang Cora C. Amarga na pahintulutan ang paggamit ng laptop ng mga examinee.
Paliwanag ng SC, walang balido at walang kapani-paniwalang dahilan upang pagbigyan ang petisyon ni Amarga na naglalayong magamit ang mga laptop sa pagsagot sa mga tanong sa pagsusulit.
Hiniling ni Amarga na sa 2014 Bar Examinations ay payagan ang mga examinee na makagamit ng laptop sa pagsagot sa mga tanong sa kanilang pagsusulit.
“The court resolved, upon the recommendation of the Office of the Bar Confidant, to deny the present petition of Cora C. Amarga for permission to use a laptop for answering the 2014 bar examinations, there being no valid and convincing reason to grant the same,” bahagi ng resolution na linagdaan ni Atty. Enriqueta Vidal.
(leonard basilio)