ni Alex Datu
NAKABIBILIB ang pagiging totoo ni Gretchen Barretto nang nakapanayam namin siya. Inamin nito ang pagiging bad girl nang ikompara ang sarili sa anak.Very proud sila ni Tony Boy Cojuangco dahil at her young age ay may nagagawa na itong mga bagay na they’re proud of at ito ang dahilan kaya mahal siya ng ama.
“She’s making us proud of her, I can’t ask for anything more. She’s a good girl hindi katulad ko, bad girl. Kaya naman, nasabi nitong mas mahal siya ng kanyang dad more than me,”
Inilunsad ang anak nina Greta at Tony Boy bilang endorser ng isang produkto pero iginiit ni Greta na hindi magpu-full time ang anak sa showbusiness lalo pa’t the next day ng mga sandaling ‘yun, babalik uli ito sa London para sa kanyang pag-aaral. “She’s doing commercial, ‘yun ang kanyang gustong gawin. She’s 19, shes an adult. Kaya, she now decides for herself.”
Sa ngayon, masaya siya dahil lumaking esmarte ang anak kaya hindi na nito kailangang pagsabihan ito ng, “You are not allowed or you’re allowed thing. But, I think hindi pa niya ini-entertain ang suitor kung mayroon man because I guess, she is very busy with work,” sabi nito.
Para kay Gretch, it’s early to say tungkol sa showbiz-career ni Dominique at maghihintay pa ng tatlong taon bago matapos ito ng kursong designing. “Right now, I’m spending a lot in sending her to school. I want her to be a very, very successful international designer. That’s what I dream for her. She will be more fabulous than me, believe me. I dream for my daughter to be better than me.”
Nanay na nanay ang dating ng aktres, very domesticated pero nang tanunging siya tungkol sa problema ng pamilya ay ayaw na niya itong pag-usapan. Aniya, naka-move on na silang magkakapatid at hindi na ito importante para pag-usapan uli. “Enough is enough. We have become very positive, we are living a comfortable life now, peaceful life. I mean, to deal on negative things, what for?”
Tama naman ang aktres sa kanyang tinuran kasi pinagpiyestahan sila sa media for the past years tulad ng labasan ng baho at sagutan on national TV and print. “I would not talk about it. I hope you will respect me. I said it many times and if you wanna talk about just these people to get ratings, I’m not going to give it to you. I’m serious, why try and make me talk and then make people miserable just for to rate.” Tama naman!