Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 traditional ways for front door bad feng shui direction

NARITO ang tatlong traditional ways na maaaring gawin bilang remedy sa bad feng shui direction ng front door.

*Ang una na maaaring irekomenda ng feng shui consultant ay ang paggamit ng ibang pintuan nang madalas, na sa maraming kaso, ay hindi mahirap gawin.

Maraming tao, lalo na sa North America, ang pumapasok sa kanilang bahay sa pamamagitan ng garahe o sa pamamagitan ng back door, kaya ang front door ay nagiging simboliko na lamang. Kung ang inyong unlucky feng shui direction front door ay bihirang gamitin, ang negatibong enerhiya ay hindi magigising.

*Gawin ang inyong makakaya sa pagbubuo nang malakas na protective energy sa paligid ng inyong front door. Hindi na kailangan pang umabot sa puntong magsabit ng bagua mirror, maaari ang ibang appropriate items na magbibigay ng strong protective feng shui energy cures sa inyong front door at main entry.  Ang ilang traditional feng shui cures ay sculpture o imahe ng Quan Yin, ang goddess of mercy and compassion o presensya ng Kuan Kung, ang god of War. Maaaring pumili sa inyong mga simbolo na magdudulot ng energy of protection and mercy.

*Ang isa pang paraan ng pagkontra sa bad o unlucky feng shui direction ay ang pahinain ang feng shui element ng specific direction na ito. Halimbawa, kung ang inyong front door ay nakaharap sa North, at ang North ay unlucky direction para sa inyo, ang isang paraan ay ang pahinain ang Water feng shui element ng North. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng paggamit ng feng shui décor elements ng Earth element.

Gayunman, ito ay dapat gawin sa banayad na paraan, dahil nais mo pa rin mapagbuti ang bagua area na ito, upang ang career energy na nakakonekta sa North area ay dadaloy nang maayos.

Sa pagsisikap na maipatupad ang feng shui sa inyong unlucky directions, palaging tandaan na kayo mismo ang gumagawa ng inyong sariling swerte. Tugunan ito kung nais, ngunit huwag mangamba dahil dito.

Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …