Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 empleyado ng city hall kulong sa rape

KALABOSO ang  dalawang kawani ng Navotas City hall nang kanilang ilabas sa selda ang  isang dalagitang inmate na kanilang paulit-ulit pinagparausan, sa Navotas city, iniulat kahapon.

Rape in relation to Republic Act 7610 ang kinakaharap ng mga suspek na sina Inri Moises Siochi at Ronald Jordencio, nakata-laga sa Task Force Disiplina (TFD) ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng Women and Children Protection Desk (WCPD), mula 2:00 hanggang 5:00 a.m. kahapon, nang maganap ang panghahalay ng mga suspek sa biktimang itinago sa pangalang Asia, 15-anyos, kabilang sa Children in Conflict with the Law (CICL).

Ang dalagitang biktima ay  nasa pangangalaga ng City Social Welfare Development Office (CSWDO).

Sa pahayag nina  Rolando Patag at  Florante Batasol, kapwa bantay sa  selda, inilabas ng mga suspek ang dalagita dakong 2:00 a.m., para kausapin pero nakabalik ang biktima dakong 5:30 a.m.

Agad humingi ng tulong ang biktima sa mga awtoridad at kanyang isinalaysay ang kanyang sinapit sa kamay ng mga suspek sanhi para arestohain sina  Siochi at Jordencio.

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …