Monday , December 23 2024

2 anak ini-hostage ni tatay (Ayaw magbasa ng Koran)

DAHIL sa hindi pagsunod sa kagustuhang magbasa ng Koran ang kanyang dalawang anak na lalaki, nagalit at ginawa silang hostage ng kanilang ama, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Kinilala ang suspek na si Jojo Mariano, 30-anyos, ng Katapatan st., Brgy. Muzon, ng nasabing lungsod na nahaharap sa kasong child abuse.

Ligtas na ang magkapatid na sina Michael Jojo,11,  at John Lloyd, 2-anyos, anak ng suspek na kanya ring  pinakawalan matapos ang mahinahong negosasyon.

Sa ulat ng pulisya, dakong 11:00p.m. kamakalawa, nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mga Mariano  sa nasabing lugar.

Nauna rito, pinipilit ng suspek na magbasa ang dalawang anak ng Koran pero dahil pagod at gabi na ay tumanggi ang mga bata dahilan upang magalit ang ama na nagresulta sa hostage-taking.

Agad humingi ng tulong ang tiyahin ng mga bata sa mga awtoridad at mabilis ding napakalma ang suspek at pinakawalan ang dalawang anak.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *