Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suportahan natin si Manny Pacquiao

00 Bulabugin JSY

HINDI man sing-init ang usapan ng mga dating laban ni MANNY PACQUIAO, aminin natin na lahat tayong mga Pinoy ay umaasam na mabawi niya ang korona sa WBO welterweight rematch nila ngayon ni Tim Bradley.

Marami ang naniniwala na mababawi ni Pacman ang nasabing korona.

Lalo na’t llamado ngayon si Manny at lumalarga ng pustahang P250 manalo ng P100 sa Amerika.

Kung hindi tayo nagkakamali ay hahakot ng kulang isang bilyong piso (P1 bilyon) manalo o matalo sa labang ito si Manny.

Panibagong dagdag-yaman na naman ‘yan sa kanya.

Matutuwa tayo kung positibong maiuuwi ni Pacman ang nasabing halaga at ang sampung (10) posiyento SANA ay mailaan niya sa pagtulong para sa mga biktima ng Yolanda.

Pagkatapos magsimba – ngayon po ay Araw ng Palaspas, hudyat ng pagsisimula ng Semana Santa – alam nating maraming Pinoy ang huhugos sa iba’t ibang establisyemento na mayroong pay per view …

Happy viewing sa lahat!

And bring home the bacon, Manny!

ADELANTADANG JUSTICE SECRETARY!?

WISH lang natin na sana ay sa AKSYON adelantada si Justice Secretary Leila De Lima.

Kaya lang hindi ‘e.

Si Secretary Leila De Lima ay parang tambutso na unang pumupugak sa pag-andar ng makina ng isang sasakyan.

E hindi pa nga naisasampa ‘yung kaso laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at limang iba pa sa Taguig RTC ‘e ini-announce na agad sa media.

Ako man ang akusado e magtatago na agad ako dahil walang piyansa ang kasong kinahaharap nila.

O ngayon, saan nila hahanapin ‘yang mga ‘yan?!

‘E di magpi-PING LACSON na ‘yang mga ‘yan, dahil no bail ang kasong serious illegal detention.

Hindi ba’t ganyan din ang ginawa niya sa kaso ni Janet Lim Napoles?!

Sana Madam Leila, AKSYON ang mabilis sa iyo, hindi BIBIG.

‘E dahil sa ginagawa mong ‘yan ‘e parang binibigyan mo agad ng BABALA ‘yung mga dapat ikalaboso.

Tsk tsk tsk …

Sino ba talaga ang binibigyan mo ng katarungan, Madam Leila?!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …