Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P20-M patong vs Tiamzons isinubi ni Gazmin, Roxas (Bayan Muna Rep. hinamon ng Palasyo)

HINAMON ng Palasyo si Bayan Muna Rep. Isagani Zarate na maglabas ng katibayan sa kanyang alegasyong ibinulsa ng dalawang miyembro ng Gabinete ang reward money para sa pagdakip sa matataas na opisyal ng kilusang komunista sa bansa.

Kinuwestiyon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang batayan ni Zarate sa pagbibintang kina Defense Secretary Voltaire Gazmin at Interior Secretary Mar Roxas na isinubi ang bahagi ng P20-milyon  patong sa ulo ng mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon, mga leader ng Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA).

“We don’t know what the basis is for that and I have not seen the good congressman make any statement (kung) ano ang basehan at ano ba ‘yan? We’re certain that is not true,” ani Valte.

Sa ulat, inihayag ni Zarate na maaaring ibinulsa nina Gazmin at Roxas ang bahagi ng reward money sa mag-asawang Tiamzon dahil unang napaulat na tig-P10 milyon ang patong ng bawat isa sa kanila pero ang ini-report aniya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay P11.2 milyon lang ang kinobrang reward money o P5.6 milyon kada isa.

Matatandaang dinagdagan  noong nakaraang taon ng DND at Department of Interior and Local Government (DILG) ang patong sa ulo ng 235 wanted na lider-komunista na umabot na sa P466.88 milyon.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …