Monday , December 23 2024

Cabañero inasunto ng pageant organizer

Kinasuhan ng organizer ng Miss Bikini Philippines pageant ang dating kandidatang si Roxanne Cabañero.

Humirit ang Slimmers World International ng P1 milyon  danyos para sa paulit-ulit na pagbanggit ni Cabañero sa pangalan ng organisasyon at sa Miss Bikini Philippines sa inihaing reklamo at mga panayam kaugnay ng umano’y panggagahasa sa kanya ng aktor na si Vhong Navarro.

Nakasaad sa kasong inihain sa Makati Regional Trial Court (RTC) nitong Abril 8 na napunta kay Judge Max de Leon ng Branch 143, “There is no mistaking that [Cabañero] made mention of Miss Bikini Philippines for no other purpose but to generate publicity, if not sympathy, for her purported plight, to the prejudice of the goodwill of (the pageant and the organization).”

Humihingi rin ng dagdag na P400,000 ang Slimmers World International para sa corrective damages at P205,000 para sa legal costs.

Matatandaang si Cabañero ang ikalawang babaeng nagsampa ng kasong rape laban kay Navarro.

Batay sa rape complaint nito, Abril 24, 2010 nang gahasain siya ni Navarro.

Sunod na itinanggi ni Cabañero na nagbigay siya ng eksaktong petsa matapos lumabas na nasa concert si Navarro noong Abril 24, 2010.

Unang lumitaw na iniakusa ni Cabañero na nangyari ang rape sa sasakyan ng aktor matapos siyang sunduin nito sa Astoria Plaza Hotel sa Pasig City na roon naka-check in umano ang mga kandidata ng pageant.

Binago niya ito sa Millenia Suites nang itanggi ng Astoria at Miss Bikini Philippines na may kandidatang tumutuloy noon sa Astoria. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *