Monday , December 23 2024

Totoo ba o hindi? Ang tangkang pangingikil ni MRT GM Vitangcol et’ al?

VITANG inang iyan!

Ayon sa ibinulgar ng CZECH Ambassador sa Filipinas na si Amb. Joseph Rychtar.

Worth $30 million, ang hinihinging  padulas ni Vitangcol et al sa isang CZECH company, ang INEKON Group, para umano’y makuha ng kompanyang ito ang kontrata para sa 48 coaches. Ayon po ito bayan sa ‘extortion exposed’ ng CZECH Ambassador sa Filipinas Amb. Joseph  Rychtar.

Ayon kay Ambassador RYCHTAR, naganap ang tangkang pangingikil ni Vitang Inang ‘yan, este Vitangcol et al, noon July 2012 nang ganapin sa kanilang bahay ang pagpupulong.

Remember po bayan, CZECH ambassador sa Filipinas ang nagsasalita. Hindi po ordinaryong tao, Atty. Edwin Lacierda. Kaya huwag mong iligaw ang isyu. Ilagay mo Lacierda sa daang matuwid, ang mga katanungan sa isyung ito, ang tangkang pangingikil ng mga kaalyado ni PNoy sa INEKON Group Company, ayon kay Czech Ambassador Joseph Rychtar.

Minsan-minsan Atty. Edwin Lacierda, magpakatotoo ka! Nakahihiya ka! Anong say mo Rey Marfil. Isa ka pa. Pwe!

*****

KARAMIHAN mga salvage victims ay nambubukol sa kanilang among corrupt na pulis.

Marami na naman natatagpuang salvage victims na itinatapon sa iba’t ibang siyudad at bayan. Kahit anong pagkakakilanlan sa mga biktima ng salvaging ay walang nakikita ang imbestigador.Dead man tells no tale. He he he … period.

Kadalasan kasi hindi idinideklara  ang tamang nakulimbat na kwarta sa “foolish cop,” patay kang bata ka. Salvage ang inabot niya.

Kaya sa mga nabibiktima ng mga @#$%^&*()! mandurukot, snatcher, salisi, laglag-barya, makinarya o budol-budol atbp., mga MO ng mga salot ng lipunan.

Kapag nagreklamo po kayo sa presinto o dili kaya’y sa departamento ng pulisya. Lakihan o dagdagan na po ninyo ang kwarta na nanakaw o naholdap sa inyo. Bakit kan’yo? Inaalam po kasi agad ng mga patong na pulis ang police blotter at kung tama ang kwarta na idineklara ng mga bata niyang kaliwa ang lakad sa kanya. Iba ang holdap me sa banko. Sa mga next isyu tatalakayin natin.

Kapag hindi tama ang idineklarang kwarta na natalo sa nabiktima nila na nakasulat sa police blotter 101% salvage ang aabutin ng asset kuno ng ‘foolish cop.’  Kadalasan itinatapon sa kalapit-bayan ang kanilang salvage victims para iligaw ang imbestigasyon. Kadalasan iyan po ang totoo. He.he.he. Anong say mo Lakay? May  your soul rest in hell. How about you Bobby …okey ka ba d’yan? He he he …

Iba si dating pulis-Makati Abner L. Afuang, basta salot sa lipunan, siya ang fiscal, hukom at executioner. Ibig kong ibahagi ang aking halos 30 taon karanasan bilang alagad ng batas ng sambayanang Filipino, upang malaman ninyo ang galaw at takbo ng pamumuhay ng ilang mga tiwaling pulis. Gayon din ang kanilang pakikipagsabwatan sa iba’t ibang syndicated criminals at ang modus operandi ng mga salot  na kriminal sa buong kapuluan.

Pag-uusapan po natin ang laglag-barya lalo na sa loob ng bus. Ang tawag po sa biktima rito ay “actor.” Ang involved pong suspek dito ay mga apat hanggang lima katao. Hiwa-hiwalay po iyan sa pagsakay at pag-upo ng bus. Isa lang po ang maglalaglag ng barya sa flooring ng sasakyan at pilit niyang aabalahin ang mga paa ng bibiktimahin habang ang mga kasama ay minamaniobra ang bag o ano mang mga gamit na makukuha nila sa biktima. Pero ingat po kayo dahil kadalasan po sila’y may dalang patalim o baril

at amoy alak. Kapag nakarinig na kayo ng nalaglag na barya, ingatan na po ninyo ang inyong mga personal na pag-aari. Bababa po sila, halos magkakasunod at tandaan po ninyo, kadalasan po sasakay sila sa nakabuntot na sasakyan, na tinatawag na mga patong na pulis o tongpats. Kapag may matinong pulis na nakialam sa sindikatong ito, pinalalabas na arestado nila ang mga kriminal, pero huwag ka, patong sila rito.  Mga ‘foolish cop’ po ang tawag ni Ka Abner Afuang sa  kanila.

Naalala ko tuloy noong panahon ko. May pinayuhan akong bagong pulis-Makati na si Robles na pinatay ng mga patong na pulis ng sindikatong laglag-barya. (Ang Pulis na si Robles ay dating tauhan ni Major Leonardo Medina na ngayon ay namayapa na.) Itinapon nila sa Laguna si Robles, pagkatapos nilang patayin para mailigaw ang imbestigasyon. Kung nakinig lang siya sa akin, buhay pa sana siya hanggang ngayon. Natatandaan kong sinabi kay Robles, “Sa trabaho nating ito bilang  pulis, kailangan laging magulang ka, bukod sa matapang.”

‘Yung hardened criminals na tulad nila, kapag nasakote mo ang  mga bwakang ina, mga artista ‘yan ang babait n’yan pero ingat ka humahanap lang ng tiyempo iyan, papatayin ka niyan. Nangyari na nga, hindi siya nakinig kay Afuang, disin sana’y buhay pa siya. Sumalangit ang kanyang kaluluwa.

Reminder lang po mga kababayan, hindi po maglalakas-loob na pumasok sa isang  siyudad lalo na sa Metro Manila ang mga sindikatong ‘yan na walang patong na pulis o opisyal. Tapatan po iyan, lalo na ang  makinarya o budol-budol. Sa Makati City noon, ang paborito o gustong-gustong  lugar na pinupwestohan nila.  Ang pinakapaboritong spot nila ay sa Paseo de Roxas na matatagpuan ang maraming banko. Ang mga patong na pulis ay nakaposisyon sa malalapit na parking area. Hawak ang Cellfone, para abot-tanaw din sila ng mga kriminal. Para kung mayroon ano mang aberya o makakita sila ng kamukha nina Capt. Jaylo o Afuang, makaigtad agad sila dala ang sasakyan. Eksperto po ang mga driver nila. Rumarampa po sila sa bangketa kung kinakailangan.

May your soul rest in peace, Tacio Marquez, Da Rich Robber of 1980’s.

Ang modus operandi na ito, style probinsyano na mayroong kilik-kilik na bag at kapag nakakita ng actor o bibiktimahin, kunwari’y  tatanga-tanga, sabay bangga sa biktima.  Sabay tanong kung alam niya ang address sa hawak niyang papel at ipakikita ang bungkos-bungkos na perang dala niya. Minsan lang po sumasablay ito kabayan.

Sa Makati City po kasi pinakamaraming banko at mayayamang depositor.  Maya-maya may lalapit na UROT o PALA, sabay silip sa bag, sabay sabing naku mag-iingat po kayo maraming holdaper dito.

Palaala lang po, mahuhusay pong magsalita ang mga sindikatong ‘yan. Hindi kayo nahihipnotismo. Kundi dahil sa kanilang convincing  power o tamis ng pananalita at kasakiman naman ng bibiktimahin sa inalok na kikitain. Pagkagahaman ng actor o biktima. Ito ang budol-budol o makinarya ngang tinatawag. Napagwi-withdraw sa banko ang biktima at pagkatapos po nito, diyan papasok sa eksena ang switching ng magkaparehong bag na may maliit na kandado dala ng dalawang taong hindi nakikilala ng actor o biktima.

Mag-iingat po kayo, kabayan, sa modus operandi nila. Noong araw, ang mga salapi ay naiiwan sa biktima, sa ibabaw ng bungkos ng pera at sa ilalim ay puro diyaryong tabas. Ngayon po, kahit piso hindi ka iiwanan sa loob ng bag.  Gayon din dati po dinadala sa isang Restaurant ang actor. Kasama ang patong na pulis, ngayon naman po hindi na. Kahit sa ilalim ng punongkahoy o sa tabi ng daan nagkakatalo na sila. Sa mga nabiktima, ang masasabi  po lang ni Afuang ay sobrang  naging sakim at tanga po kayo, kaya naloloko ng mga SALOT ng BAYAN!

***

Ugaliin manood sa Royal Cable TV Program “Kasandigan ng Bayan” araw ng Martes at Miyerkoles 9 to 12 noon. Mayor Abner L. Afuang with Royal Cable TV-6 Manager & Southern Tagalog Broadcast Journalists Assn. Inc., President Cris Sanji. Maraming Salamat po. Godspeed.

Abner Afuang

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *