Monday , December 23 2024

Proteksyon ng US sa ‘Pinas tiniyak

TINIYAK ng Amerika na poprotektahan nila ang mga kaalyadong Pilipinas at Japan sa hidwaan

sa China bilang pagtupad sa kanilang mutual treaty obligations sa mga bansang ito.

Sa totoo lang, parang sampal ito sa mukha ng mga buwayang Intsik dahil binitiwan ni US Defense Sec. Chuck Hagel ang naturang pahayag habang nasa China at kaharap si Chinese  Defense Minister Chang Wanquan.

Nakahinga rin nang maluwag ang maraming Pinoy sa kaalamang hindi tayo pababayaan ng mga Kano sakali mang lumala ang pakikipagbangayan natin sa China.

Diretsahan din sinabi ni Hagel na ang China ay walang karapatang magpatupad ng air defense zone sa mga islang pinagtatalunan nang walang isinasagawang konsultasyon dahil lilikha lang ito ng tensyon, hindi pagkakaunawaan at puwedeng mauwi sa malaking gulo.

Mantakin ninyong ang gusto ng China ay magpaalam o humingi muna ng permiso sa kanila ang mga bansang nagbabalak dumaan sa himpapawid ng kanilang inaangking teritoryo.

Nilinaw ni Hagel sa China na ang Amerika ay hindi nakikialam sa mga hidwaan sa teritoryo. Pero ilang ulit siyang nagpaalala na poprotektahan nila ang mga kaalyado nilang bansa.

Ang pahayag na ito ay magpabago na sana sa umiiral na kasakiman ng China sa pag-angkin ng teritoryo ng iba, at respetohin ang exclusive economic zone (EEZ) ng bawa’t bansa.

Hanggang ngayon ay ayaw nilang iwanan ang Panatag Shoal diyan sa Zambales. Binu-bully at itinataboy pa nila ang mga Pinoy na gustong mangisda sa lugar. Maging ang paghahatid ng supplies sa mga militar nating nagbabantay sa Ayungin Shoal ay kanilang hinaharang.

Ang Panatag at Ayungin shoals ay pawang nasa loob ng EEZ ng Pilipinas. Pero ang EEZ na kinikilala ng international law ay binabalewala ng damuhong China, dahil baliw na baliw sila sa pagkamkam sa halos kabuuan ng South China Sea at pag-angkin sa yamang-dagat n ito.

Maliit man tayong bansa ay hindi natin isusuko kung ano ang sa atin. Lumala man ang gulo at makadigmaan natin ang China, asahang ipaglalaban ng mga Pinoy ang sariling teritoryo tulad ng ginawa noon ng ating mga bayani.

At sa patuloy na umiinit na sitwasyon, mga mare at pare ko, ang pagtiyak ng Amerika na hindi tayo nag-iisa at ipagtatanggol nila tayo ay dapat natin ipagpasalamat.

Tandaan!

***

PINURI ni Pres. Noynoy Aquino ang mga kawal nating Marines na nakabantay araw-gabi para ipagtanggol ang Ayungin Shoal sa West Philippine Sea kahit inaangkin ito ng China.

Kinilala ni P-Noy sa Araw ng Kagitingan noong Abril 9 ang natatanging katapatan ng mga beterano at mga sundalong tulad ng naturang Marines na sinasaludohan ng buong bansa.

Tinukoy ng Pangulo ang sakripisyo ng mga kawal, na ang mundo ay umiikot sa karagatan sa loob ng limang buwan na halos walang komunikasyon sa kanilang mga pamilya.

May mga pagkakataon na hinaharang ang pagkain at supplies para hindi makarating sa kanila.

Buhay rin ang nakataya dahil ano mang oras ay puwede silang sugurin ng damuhong China.

Palakpakan!

Ruther Batuigas

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *