Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lifestyle check sa mga mambabatas, pabor na pabor tayo d’yan!

00 Bulabugin JSY
GUSTO natin ang panukala ni Senator Grace Poe na isailalim din sa lifestyle check silang mga Senador.

Talaga naman kasing nakapagtataka ang ‘YAMAN’ ng mga politiko sa atin bansa.

Wala namang establisadong negosyo pero hanep ang kanilang asset & properties.

Gaya na lang ni Senator Lito Lapid, napabalita kamakailan na bumili na naman ng bagong mansion (P16 million worth) sa Angeles City, Pampanga.

Si Sen. Bong Revilla na may malaking bahay sa Ayala Alabang village.

At si Senator Ralph Recto na madalas din makita sa kanyang palasyo ‘este’ mansion sa Ayala Alabang Village na kapag sumilip ka raw sa gate ay hindi mo matatanaw ang bahay dahil sa laki ng lote!?

‘Yan ang malaking ipinagtataka natin sa mga politiko dito sa Philippines my Philippines …

Noong wala pa sa politika ‘e hindi naman sila ganoon kayaman.

Pero nang pumasok sa politika ‘e biglang nag-BOOM ang  lahat sa kanila.

Biglang naging famous then rich then wealthier…

Hindi kaya napapansin ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner KIM HENARES ‘yan?

Kung seryoso talaga si Madam KIM na makalikom ng  ‘TAMANG BUWIS’ sa mga dapat magbuwis, aba ‘e ‘yan ang una niyang sudsurin.

‘Yan mga mambabatas, politiko, at mga opisyal ng gobyerno ang bantayan ninyo Madam KIM.

Tiyak, malaki ang makukuha ninyong ‘BUWIS’ sa kanila.

Unahin mo na kaya ‘yang TATLONG SENADOR!?

‘Yan ay kung may ‘balls’ kang gawin ’yan Madame Kim!

MULTANG P.1-M HANGGANG P.5-M SA MGA MALL NA MANININGIL NG PARKING FEE

SANA ay magtagumpay si Leyte Rep. Sergio Apostol sa kanyang House Bill 3779 na ipagbawal na ang paniningil ng parking fees sa mga parking area ng shopping malls, hotels, at iba pang commercial establishments.

Dapat lang naman na ang mga nasabing establisyemento lalo na ang shopping malls ay maglaan ng libreng parking area para sa kanilang mga parokyano.

Mantakin n’yo naman, mamimili ka na sa mall nila tapos sisingilin ka pa sa parking area.

‘Yun ibang mall pati paggamit nga ng comfort rooms nila may bayad pa!

Aba ‘e sa parking area pa lang ‘e panalo (tubong lugaw) na ‘yang mga mga mall na ‘yan.

Ang hindi lang daw kasama rito ‘e ‘yung mga establisyemento na ang purpose ng kanilang pagtatayo ng building ay para sa pay parking at kailangan ‘e malinaw daw na nakasaad ito sa  kanilang building permit.

Ang sino mang establisyemento na lalabag ay pagmumultahin ng P100,000 hanggang P500,000 habang ang mga opisyal ng kompanya ay maaaring makulong nang hindi lalampas sa limang (5) taon.

Aba ‘e dapat aprubahan na agad ang batas na ‘yan!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …